isang magandang umaga ang bumungad sa'kin.
mayroong masarap na kape at malamig na simoy ng hangin.

ngunit hindi matuloy-tuloy.
(kasalanan ko raw.hmp.)
maraming nangyari, pero...
sa wakas, natuloy na rin kami no'ng linggo.
si lala, kasama ang boyfriend niyang si angelboy,
na kung saan ay isinicelebrate rin nila ang kanilang 1st anniversary. (kainggit! ahaha)
si arriane (momi, as we call her) na nakukulitan na sa pinsan kong si emon na hiniwalayan na ng kanyang girlfriend.
ako, na hindi nagtatagal sa isang relasyon, ay umaasang makakasama ang kaibigang si kuya jun-jun.
halos pares lahat ng kasama ko...

pumunta kami sa tinatawag nilang salog.
bago sa'kin ang lugar, tahimik, maganda at presko sa pakiramdaman.
nabighani ako ng lugar na 'yon - ng umaagos na tubig, ng mga puno sa paligid, at ng mga ibong humuhuni.
masarap umupo sa kahoy malapit sa tubig,
pakiramdam ko nasa paraiso ako.
masayang balikan ang araw na 'yon,
hindi lamang dahil sa nakasama ko ang mga taong mahalaga sa'kin,
kundi dahil na rin sa pagkakataong magkaroon ako ng panahon para sa sarili ko.
drafted last 01/05/11
2 comments:
hmm. same theme with the other blog.. but i love the other one more.. hehehe...still the same, happy that you were able to spend time with your cousins..
hopefully, masundan di ba..
haist. masaya talaga akong nakasama ko sila. sana nga maulita pa. pero, matatagalan pa ata :(
Post a Comment