Wednesday, February 23, 2011

missingMYA

she was about to sing a song,
then uttered the name mayangligaw.

bigla akong napaiyak.
namiss ko siya,
narealize ko...

unang love rendezvous na hindi ko siya kasama.

miss na kita ate neki :(

Sunday, February 6, 2011

miss you like crazy part 2

may mga bagay na panahon lang ang makakapagturo sa'yo.
tulad ng, gaano mo kamahal ang isang tao.
madalas, nalalaman mo na lang kung ga'no mo siya kamahal kapag wala na siya sa'yo.
and when you lose that person, you lose a part of yourself too.
---


umaasa ka na lang na sa paglipas ng panahon maibabalik mo kung anong nawala sa'yo.
o kung hindi na maibabalik ang dati, babaguhin na lang ng panahon ang lahat ng bagay.
pero bakit hindi binabago ng panahon ang puso mo?
bakit kahit alam mong tapos na ang lahat, pilit mong binabalikan yung simula?
---


pa'no kaya kung hindi mo na lang siya minahal?
pa'no kung hindi na lang kayo nagkakilala para mabura na lang siya sa alaala mo?
pa'no kung noong nagkatagpo kayo ibang tao ka?
ibang tao rin siya? sa ibang pagkakataon, sa ibang lugar, sa ibang panahon.
maiiba din kaya ang tadhana n'yo?
kamay mo na ba ang hawak niya?
pangalan mo na ba ang bukambibig niya?
ikaw na ba'ng nasa tabi niya?
ikaw na ba 'yong kayakap niya?
ikaw na ba ang dahilan ng mga ngiti niya?
o ikaw pa rin ba'ng dahilan kung bakit mas pinili niyang magmahal na lang ng iba?
---


ang pag-ibig may sariling time frame, may sariling panahon.
time is meaningless when you're in love.
---


some lines from the movie...